Bantay, hipan ang pakakak Ng ebanghelyong taglay, Ang sinumang makarinig, Magsisi at mabuhay.
REFRAIN
Bantay, hipan ang pakakak, Sa lahat ay ilakas; Pabalita ay itanyag! Nang lumaya ang bihag.
Sa burol at kapatagan Ito'y ipaglakasan, Ulitin ng karagatan Awit ng kaligtasan.
Sa daa't liblib na pook Pabalita'y isigaw; Ito ay papagsaysaying Ama ay naghihintay.
Sa nabibigatang lubha At mga napapagal, Magsiparito sa Akin, Pa-anyaya N'yang mahal.